Thursday 26th June 2008

by Chichi

Matagal ding hindi nakasali ang Solitude sa Litratong Pinoy. Paumanhin at ang dating may-akda rito ay busy na sa trabaho niya. Kaya ang orihinal na Bahchi na ang narito. May mga konting pagbabago rito sa blog na ito. At sana’y pupuwedeng makipag-exchange links na rin sa inyo :)

Anyway, ito ang aking lahok para sa Huwebes na ito. Ang tema ay Pag-aaral at ano pa nga ba ang pinakaakmang litrato na pwede kong ilahok kundi ang aking alma mater, ang Unibersidad ng Santo Tomas o UST. Diyan ko binuno ang apat na taon upang ako’y maging isang accountant. Ang UST ang isa sa pinakamatandang unibersidad sa buong Asia at ito’y matatagpuan sa may Espanya, Maynila.

Ang ganda ano?

Maligayang Huwebes!

posted in Old Memes at 12:00 am Off
Tagged:

No Responses to “LP: Pag-aaral”

  1. uy, kapwa tomasino! nagpapichur din ako sa mga letrang iyan sa tapat ng main building noong nagbakasyon ako sa pinas….kakaaliw!

    fortuitous faerys last blog post..litratong pinoy#14:sa gawing kanluran

  2. jeniffer says:

    kapitbahay po pala tayo.. sa perpetual ako.. najan din ako parati nun tambay sa USTE.. kumakain sa canteen nyo.. kapal ng muka eh nog.. pero saya saya… :)

  3. Lizeth says:

    binaha ka ba jan?Ü

    Lizeths last blog post..Litratong Pinoy #13: Pag-aaral

  4. Elliot says:

    Hi. Can you also add my new blog: http://mashisoyo.info? Thanks much. ^^;

  5. ner says:

    pinag-isipan ko ring mabuti kung computer-generated ung UST hehe… ang cute naman. makasaysayang paaralan! ^^

    maligayang paglilitrato! :)

    ners last blog post..Sunog na Kilay (Burnt Brows)

  6. caryn says:

    naku, kung solitude sa UST, i would have recommended colayco park o kaya yung botanical. kaya lang, wala nang colayco ngayon! tinibag na! waaaah!

  7. G_mirage says:

    Miss ko na ito! At ang pagpupuyat ko noon jan sa Main building sa room 114! lol.

    Maganda lalo na pag walang baha… :D Happy LP!

    G_mirages last blog post..Sky Watch Friday – Paris’ sky

  8. matagal ka na palang hindi nakasali, pero unang beses kitang mabisita naman. at mukhang mapapatambay ako nang madalas!

    jerome aka bridgets last blog post..LP # 13: Pag-aaral (Studying)

  9. toni says:

    Matagal ka ngang hindi nakasali nugnit unang-una ka naman!

    Ang ganda ng kuha! Akala ko rin eh sa kompyuter mo na ginawa ang mga titik na U S T. :)

    tonis last blog post..Mga Aral Dulot ng Kabuteng Mesa

  10. pao says:

    ang gaganda talaga ng mga old buildings sa UST. kahit na nabagsakan ako ng pinto diyan nung nag-entrance exam ako, many many years ago. :D

    paos last blog post..LP#13: Pag-aaral

  11. Pinky says:

    Di man ako nag-aral sa UST, naging mahalagang bahagi na rin ito ng aking buhay dahil ang mga magulang ko pati na rin ang halos lahat ng aking tiyo at tiya ay nagtapos dito. Dito rin kami ipinanganak na magkakapatid.

    Kakaiba ang dating nung mga ginituang titik sa harap ng unibersidad – parang na-”super impose” lang… hehehe ;)

    Pinkys last blog post..LP #13: Pag-Aaral

  12. alma mater ko rin yan! diyan ako nag-high school at college (architecture). nakagraduate na ako noong lalong pinaganda ang UST. :) ang ganda ng main building…lagi nga lang napagkakamalang simbahan. :)

    LP sa Munchkin Mommy
    LP sa Mapped Memories

  13. Cookie says:

    dyan nagtapos ng pagka-inhinyero ang aking tatay.

    minsan lang ako nakapasok dyan. ang ganda ng mga gusali :)

    Cookie
    http://scroochchronicles.blogspot.com

    Cookies last blog post..Litratong Pinoy : Itay at Pag-Aaral

  14. marites says:

    maganda ang pagkakuha mo ng UST building. Oy! sikat na unibersidad yan!

    maritess last blog post..Litratong Pinoy#5 Pag-aaral

  15. Dyes says:

    para kasing hindi totoo ang mga titik eh :) siguro, kaya sila naglagay nyan ay para hindi malito ang mga tao kung anong building ang nasa litrato? :)

    Dyess last blog post..LP : Pag-aaral

  16. hello! buti ka pa may piktyur ka ng iyong alma mater. ako kasi wala e :(

    strawberrygurls last blog post..LP 13: Pag-aaral (Learning)

  17. iris says:

    ang kulit nung giant UST letters :) growling tiger ka pala, bahchi. :)

    iriss last blog post..Mag-aral ng Mabuti, kung hindi… [lp]

  18. teys says:

    uy, galing ako dyan ah, may ganyan na pala ngayon? huwag mo na itanong kung kelan ha! :)

    go USTE!

    happy lp

    teyss last blog post..LP#13-Pag-aaral

  19. Elliot says:

    Hi Bahchi! Thanks for dropping an EC. How about an exlink?

    Elliots last blog post..A Kaleidoscopic Bibimbapish Post, Samut-saring Karanasan ng mga Ipinalit-pinagpalit na Magaaral

  20. ayen says:

    maganda nga ang gusali ng UST. :)

    Naalala ko tuloy ang cheer niyo sa UAAP – go Uste! go Uste! hahaha! :)

    ayens last blog post..Litratong Pinoy: Pag-aaral

  21. Reflexes says:

    tanging ang aking asawa lamang ang nakatuntung sa Unibersidad na iyan…subalit itinuloy din niya sa UP.

    UST, UP at iba pa…mga unibersidad na maipagmamalaki ng ating bansa :D

    Reflexess last blog post..LP: Footprints (Yapak)

  22. ettey says:

    yay! kung di lang ako naduwag noon… jan sana ako nag-aral! ^_^.

    etteys last blog post..[LP: PAG-AARAL]

  23. lidie says:

    ang ganda! parang isang unibersidad sa europa!
    magangdang huwebes sa’yo!

    lidies last blog post..LP #13:: Pag-aaral

  24. farah says:

    nakakatuwa naman! yan din ang lalagay ko sa LP ko mamaya paguwi ko kasi gradweyt ng uste si asawa. yan at ang university ave ng diliman.

    magandang huwebes sayo!

    farahs last blog post..poor customer service

  25. Ang aking ama ay diyan din nag-aral (Commerce ’74). Sa umaga ay janitor siya sa unibersidad at sa gabi ay nag-aaral siya.

    Ang aking LP ay nakapost DITO.

    Sana ay makadaan ka. Salamat!

    ShutterHappyJenns last blog post..Pag-Aaral (Schooling)

  26. julie says:

    Aba, magalling nga ang unibersidad na yan. Diyan nagtapos ng pagkapari ang aking biyenan (mahabang kwento) at dyan nag high school ang aking kabiyak :)

    Magandang araw :)

    julies last blog post..Learning is Not Just Studying

  27. Thess says:

    Punong puno ng istorya na unibersidad!

    Happy LP, Bachi! Naka link ka na sa akin, may sariling page sa blog ko ang LP members.

    Thesss last blog post..LP ‘go home and plant camote’

  28. Isang magaling na unibersidad!

    Maligayang LP!

    Clicking Aways last blog post..LP013 – Pag-aaral

  29. Dr Emer says:

    Mukhang nadadaan ka pa sa UST maski ngayon, ano? Ang gusto ko ngayon ay yung modernong fountain, at syempre, yung squid balls sa tapat ng private hospital (KISS). Puro inspirasyon ang hilig ko, at walang kinalaman sa pag-aaral. :lol:

    Dr Emers last blog post..Problem-Solving

  30. Jeanny says:

    ay meron na palang ganyan sa uste :)

    ganda ng alma mater mo :)

    Happy LP

    Jeannys last blog post..LP 12 Pag-aaral (Ang Tagpuan)

  31. betchay says:

    kaya hindi na nakayanan ang pumunta pa diyan (sorry at putol ang komento)

  32. betchay says:

    Dyan nagtapos ang aking ate. At dapat dyan din ako mag-aaral kaso pumutok ang Pinatubo…

    betchays last blog post..Where the hell is Matt?

  33. Bahchi says:

    Hi Em!

    Salamat sa pagkomento. OO tunay yan. Meron na niyan sa UST pati dun sa may tapat ng Commerce Bldg :)

  34. Em Dy says:

    Totoo ba yung mga titik na UST o gawa sa computer? Magandang Hwebes!

    Em Dys last blog post..Sige, Ikembot!





Thanks for the drop!
Want Updates?

 Subscribe in a reader

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

Etcetera